Sinong nilalang ang hindi nagdaan sa pagkabata na hindi alam ang kwento ng Ugly Duckling? Isa ito sa mga pamosong kwentong pambata na pinagpasa-pasahan na ng ilang henerasyon. Ang hindi nakakaalam sa kwento nito ay a.) hindi dumaan sa pagkabata at paglabas sa sinapupunan ng kanilang ina ay deretso na sa pagtanda at b.) hindi kasosyalan at hindi naranasang makwentuhan ng english na bed time story nung bata pa. loser!
Sa pagmamay-ari kong bukiran, isang hayop lang ang nahirapan akong hanapin. Naiinggit nga ako sa ilan kong mga kapitbahay kasi kumpleto nila ang mga alagaing hayop at meron sila nung hayop na hinahanap ko. Oo, inggitero ako! Sa tuwing may mamimigay naman ng hayop na nabanggit e lagi akong huli sa balita at nauubusan. Kamalas! Pero sa tinagal tagal ng panahon, sa wakas nakita ko din ang isang pakalat kalat at pinamimigay na ugly duckling, noong isang araw lang. Balita ko kasi yung ugly duckling na yun, gaya nung sa kwentong pambata, e nagtatransform sa isang eleganteng gansa. At dahil nga sa inggitero ako e gusto ko ring makita kong papano magbabago ng anyo yung ugly duckling sa aking bukid.
<<>>
Kamakailan ay may nag-add sa akin sa fesbuk na magandang babae. Tipong pang hot babes ang dating. Madami kaming common friends, lahat schoolmate ko nung high school, yung nag-add sa akin hindi ko mamukaan kung sino, hindi rin pamilyar ang pangalan, in-accept ko na lang tutal muka namang schoolmate ko din dati dahil nga sa mga common friends namin. Pagtingin ko sa chat, sakto online sya.
Ako: Hi! Thanks for the add.
Hot Babe: Hello! Long time no see a. Kamusta?
Ako: Ok naman, busy sa buhay buhay. Btw, tiga Bulubundukin highschool ka ba?
Hot Babe: Hahaha. Oo kaya, kaw ha nakalimutan mo na ako. Ganyan ka pala.
Ako: Anong batch ka ba?
Hot Babe: Hay naku, nakalimutan mo na nga talaga ako.
Ako: Hindi ko kasi talaga maalala e.
Hot Babe: ...
Nag-offline na sya pagkatapos ng huli kong sinabi, tatanungin ko pa naman sana sya kung may nakaraan kami pero kapangahasan na yun. Pinuntahan ko na lang ang profile nya at pinakialaman ko ang mga piktyurs nya. Potah! Hindi ko mapigil magmura lalo na nung nakita ko yung piktyur nya sa beach. Parang pang men's magasin. Sa kiddie section. Pilit ko pa ring inaalala kung sino at ano sya sa buhay ko nung highschool.
Pumunta ako mga piktyurs na ni-tag sa kanya. Tignan mo nga naman pag sinuswerte, may nakatag doon na class picture nung highschool. Agad kong nakilala ang batch na yun, yun yung klase na mas bata sa amin ng isang taon. Hinanap ko ang pangalan nya sa listahan sa ibaba ng larawan at laking gulat ko kung saan tumapat ang kwadrado. Napadoble ang mura ko sa natuklasan at napakamot na lang ng ulo.
Sinong mag-aakala na yung babaeng maitim, payat, makapal ang kilay at patag ang dibdib ay magiiba ang anyo bilang isang nakakapagpalaway na nilalang. Para syang isang instant noodles na sa umpisa ay walang buhay pero pagkaluto ay naging masarap na pagkain at ang sabaw ay masarap higop-higupin. Ganoon pa din naman ang kulay nya, pero hindi na sya nararapat tawagin na maitim kundi morena, ahit na ang kilay nya, mas malaman na rin sya ngayon, malaman talaga! Ang LAKI ng pinagbago ng itsura nya, ang LAKI ng ginanda nya.
Kung alam ko lang na magbabago ang anyo nya ng ganun kaganda e di sana sumagot ako sa text nya nung highschool. Kahit maubos pa ang load ko sa kanya, dahil wala pa namang unlitxt nun, ayos lang. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, minsan talaga e sasampalin ka ng mga pangyayaring labis mong panghihinayangan.
Yung dating ugly duckling naging magandang swan na ngayon. At oo nga pala, sa profile nya galing yung ugly duckling na matagal ko ng hinahanap para sa bukid ko. Pagkakataon nga naman oo.
20.2.10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehaha.
ReplyDeletemarami din akong kwentong nasubaybayan na ganyan parekoy.
yung tipong nilalait at pinagtitripan nila nung elemantarya at high school sila... Pero pagdating ng kolehyo eh syang sasambain at susuyuin..
buhay nga naman!
(unang comment dinelete.. dahil kulang kulang sa letra)
Nice, pero alam mo ba yung UGLY DUCKLING SYNDROME, ewan ko kung alam mo yun. Yung tipong kahit gumanda o gumwapo ka na! Tingin mo pa rin sa sarili mo panget!
ReplyDeleteBakit ko nasabi yan! Wala lang gusto ko lang irelate!
Ingat
Dati ay isa siyang higad. Ngayon ay isa nang napakagandang butterfly!
ReplyDeleteSiguro nasabi niya nung bata siya..
"Maglalaway din kayo lahat sa akin!"
Bonggacious!
Wag kasing maging judgemental. Hindi porket artistahin ka noon pa man eh, deadma ka na sa banga sa mga chakang klasmeyt mo. Yan tuloy imbes na makatikim ka ng masarap na sabaw eh nawala pa...
ReplyDeleteSabaw ng noodles yan ha! LOL
so ang magagawa mo na lang ngayon ay alaagaan mabuti yung naampon mong ugly duckling mula sa kanya.... sana makachat mo pa sya ulit at mag set up ng date para maka higop ng sabaw ng bulalo.... hehehe
ReplyDelete