11.2.10

Fn = 2₂ⁿ + 1

Hindi ako panatiko ng mga kumplikadong mga bagay bagay at nabubuhay ako sa prinsipyo na bakit ko gagawing kumplikado ang mga pangyayari kung pwede namang manatiling simple at hindi nakaka-stress ang lahat. Sayang naman ang buhay kung gagawin itong kumplikado at wala akong oras para mag-aksaya ng panahon sa mga bagay na nakaka-stress.

Pag kumplikado ang isang bagay nagiging dahilan ito ng madaling pagtanda dahil pag stress ang isang tao ay sanhi ito para magkaroon ng mga wrinkles. Sino namang magandang taong kagaya ko ang may gustong magmukang matanda agad? Ayoko namang isipin ng mga tao na pinaglihi ako sa bayag dahil sa kulubot ang aking mukha kaya naman pinangangalagaan ko ang aking kagandahang lalake at umiiwas sa mga bagay na nakaka-stress.

Para sa akin ang pinakumplikadong subject noong nag-aaral pa ako ay math. Ni minsan hindi ako nahumaling sa pagsosolve ng mga kumplikadong numero at isa ako sa mga estudyante na araw araw ay pinapanalangin na sana e matanggal na sa curriculum ang pag-aaral ng iba't ibang subject na puro numero ang tinatalakay. Pero syempre hindi naging matagumpay ang pagdarasal kong yun dahil hindi ito natupad. Tama na para sa akin na marunong ako ng mga simpleng paraan ng pag add, pag subtract, pag multiply at pag divide ang importante ay alam ko kung paano bilangin ang sukli ko kung tama ba o mali matapos kong bumili sa paborito kong sari sari store.

Sabi ko nga sa mga kaklase ko noon, mas gusto ko pang magsulat ng essay sa isang manila paper kahit back to back pa kesa magsolve ng mga aghambilang na problema gaya nito:

Scientists observe a class of young aliens through a telescope. These equations are on their blackboard: 13 + 15 = 31. How many fingers do the aliens have?

"PUTANG INA MO PO MA'AM!" gusto ko na sanang isulat yan sa exams paper ko noon kung pwede lang pero tahimik at paulit ulit ko na lang syang minura sa nagdurugo kong utak. Kung alam ko lang sana na tungkol sa kung ilan ang daliri ng mga alien ang isa sa mga tanong sa pagsusulit na yun e di sana naghanap na lang ako ng alien at humingi ng pahintulot sa kanila na bilangin ang mga daliri nila, nagkatama pa sana ako sa exams kahit isa lang. Hindi pa naman uso si Kokey nun kaya wala akong basehan kung ilan ang daliri ng mga tiga ibang planeta.

Tanong ko lang, kung sa bawat planeta sa labas ng earth e may nakatirang alien, pareparehas kaya ang bilang ng kanilang daliri? Sayang, dapat pala tinanong ko sa guro ko kung tiga saang alien ang tinutukoy ng tanong nya baka sakaling may makilala akong tiga doon at babalikan ko ang teacher ko para sabihing alam ko na ang sagot sa tanong nya.

Sa lahat ng larong puzzle, Rubik's cube lang ang katangi tanging hindi ako nagkainteres laruin noon. Sinubukan ko naman ito minsan at doon ko napagtanto na magaling lang talaga akong manggulo ng mga bagay bagay pero pag aayusin na ito ay hindi na ako marunong. Ipagawa mo na sa akin ang life size jig saw puzzle ni Monalisa pero wag mong aasahan na bubuuin ko ang Rubik's cube dahil baka ipakain ko pa sa yo yun ng buong buo.

Kalaunan, natuto rin naman ako kung paano ayusin ang Rubik's cube sa tulong ng mahiwagang youtube, hindi ko na lang maintindihan ngayon kung bakit parang nakakaloko titigan ang larawan ni Monalisa na nakangiti pag lasing ako. Try mo minsan paglasing at tumitig kay Monalisa baka sakaling malaman mo kung ano tinutukoy ko.

Ayoko ng masyadong madaming kumplikasyon sa buhay, Naniniwala naman ako na nasa tao din yun kung papaano nya kakaharapin ang mga bagay bagay, nasa kamay ng tao kung ang isang bagay na pupwede namang gawin sa madaling paraan ay gagawin nya itong masalimuot para sa kanya. Nasa tao din kung gaano ito magpapaapekto sa mga bagay na kumplikado.

Ang reyalidad, hindi naman talaga maiiwasan ang mga kumplikasyon sa buhay natin. There are things we have no control over at kahit anong iwas e darating at darating ang mga bagay, tao o pangyayari na magbibigay ng sakit ng ulo sa atin, ang mahalaga ay matutunan kung papaano ito mabigyan ng solusyon at dalhin ang aral na dulot nito para sa susunod na maranasan ito uli e hindi na masyadong stress sa kakaisip kung papano ito malulusutan. Pero kung masokista ka at nagdudulot sa yo ng hanggang langit na kaligayahan ang napapahirapan sa buhay e ipinapayo ko sa yo na tigil tigilan mo na ang panunuod ng mga soap opera dahil iba na ang epekto nito sayo. Hindi ka si Juday na laging inaapi ang role sa buhay.

FYI: Yung equation sa taas, ayun o, yung title, 300 years daw bago nakuha ang sagot dyan. At kung papaano nangyari yun at ganun katagal nasolve, wag mo sa akin itanong dahil hindi ako isa sa mga nag-aksaya ng buhay sa mundo para lang makuha ang sagot dyan. Malamang sa alamang na ginisa e aabutin din ako ng tatlong daang taon bago ko malaman ang sagot kung ilan nga kaya daliri ng alien.

"Life is really simple, but we insist on making it complicated"

7 ang may nasabi:

  1. "Life is really simple, but we insist on making it complicated"

    Tandang tanda ko ito, yan ang sinabi ng ex ko sa akin. Aray koo! :)

    ReplyDelete
  2. Aba e kakaibang banat naman pla ang ginamit sa yo ng ex mo. sana sinagot mo ng "my life was easy before you came and you made everything so damn complicated." haha

    ReplyDelete
  3. Haha! Sinira niya kamo buhay ko. Meh ganun?

    ReplyDelete
  4. Ang haba naman ng post! Muntik na akong makatulog

    Pero alam mo ba worst experience ko sa Math, well puro math naman ang subject ko noong college pero ang pinaka hindi ko malilimutan ay...

    Isang araw ng exams namin, prepared na prepared akong pumasok dahil aral na aral ako. Ang dami kong problems na pinraktis isolve sa bahay at sa library so feeling ko, check ang lahat ng exams.. Pero mali iyon ang nangyari

    Kamote! Isang problem lang ang binigay at hindi ko na solve. Tumulo ang luha ko ng bongga as in! naiyak talaga ako kahit hindi ako iyakin.

    Yan ang haba na ng comment ko! Go!

    ReplyDelete
  5. @ Kaitee - haha. leave it all to the past na lang. dami naman dyan iba.

    @ Jepoy - kahit kelan talaga panira ang math sa magandang buhay kaya dapat tanggalin na. lol

    Sinisipag ako magsulat e kaya napapahaba gawa ko.

    ReplyDelete
  6. ako rin ayaw ko ng masyadong kumplikadong bagay lalo na kung walang naitutulong sa akin ito ng malaki!

    Nga pala nna add na rin kita sa blogroll ko!

    ingat

    ReplyDelete
  7. nakaka-stress na masakit pa sa ulo. hehe

    salamat sa pag-add pareng drake. :)

    ReplyDelete