Balita ko mamimigay daw ng libreng condom ang DOH ngayong balentayms day. Ipapamimigay daw ito sa mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa. Kung ako yung isa sa mga mamimili na mabibigyan ng condom e maiinsulto ako.
Eksena: Tahimik kang namimili ng bulaklak na waring mga awit ng mga ibong tiririt lamang ang naririnig mo dahil inlababoo ka sa iyong labidabs at inspiradong mamili ng magandang bulaklak para sa kanya. Hindi mo inda ang siksikan sa dami ng tao sa halip ay feel na feel mo pa ang dampi ng hanging Sampaloc sa iyong muka, ang iyong mga matang kumikinang kinang pa na parang napuwingan lang ng mga glitters, mga ngiting abot hanggang tenga dahil sa pag-iisip sa iyong iniirog, tapos biglang, "Sir, condom." Panira ng moment.
Paano naman nakakasiguro yang namimigay ng condom na gagamitin at kakailanganin mo yun? Hindi porket obyus na may date ka kaya ka bumibili ng bulaklak ay mauuwi na ito sa isang mind blowing, staggering, psychedelic sex! Isang malaking insulto sa isang kagaya ko na virgin pa at malinis ang hangarin sa iniirog. (Kulog!)
Tuluyan na ba talagang nababoy ang tunay na ibig sabihin ng Valentine's day? Kung nabubuhay pa si Saint Valentine siguradong hindi nya magugustuhan na ang araw ng kapistahan nya na dapat araw ng pag-ibig ay nabigyan na ng ibang kahuluguan. Pag sinabing Valentine's day ang kahulugan na nito sa makabagong panahon ay pagcheck-in sa motel para sa isang bumubulusok na pagtatalik. Tiyak kikita na naman ang negosyo ni aling Vicky at iba pa nyang kapitbahay.
Para naman sa mga walang ka-date ngayong araw ng mga puso, look at the brighter side at wag magpakabitter kung wala kang lablayp. Narito ang ilan sa mga dahilan at payo para maging masaya pa rin ang balentayms day nyo.
1. Wag kang manuod ng love story o kahit ano pa mang nakakalungkot na panuorin. Baka mas lalo mong maramdamang nag-iisa ka sa buhay. Sa halip magfacebook ka na lang maghapon, hindi na nalanta at napanis ang mga pananim at niluto mo, baka maunahan mo pa ang iyong kapitbahay sa farmville o sa cafe world dahil sa XP points na makukuha sa paglalaro maghapon.
2. Para sa mga lalake. Wag mainggit sa mga katropa kung may bibigyan sila ng flowers at tsokolate ngayong balentayms. Mararanasan mo din namang bumili at mamigay ng bulaklak, sa November 1, at wag mong kalimutan ang kandila.
3. Para sa mga babae. Ipagpasalamat mo pa nga dapat na wala kang boypren at walang kadate. Tandaan na ang kahulugan ng makabagong Valentine's day ay pakikipagtalik sa iyong karelasyon. At dahil dyan hindi ka isa sa mga magiging ina sa darating na buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
4. Para sa mga bading. Hayaan nyong lustayin ng mga lalake ang mga pera nila ngayong balentayms sa kanilang mga gelpren. Tandaan na pag gipit ang lalake sa bading kumakapit. Magandang oportunidad ito para lapitan ka na iyong kras. Para utangan.
5. Magsuot ng pula, bumili ng mga pampaswerte, insenso at tikoy. Magpasalamat sa mga intsik na natapat ang kanilang new year sa Feb 14. I-celebrate ang chinese new year kahit hindi mo naman ito dating ginagawa. Wala ka mang pag-ibig, malay mo swertehin ka naman sa kwarta. Bumili ka na rin pala ng paputok. Paniguradong madaming putukan ang magaganap sa loob at labas ng bahay. At least makakasabay ka.
13.2.10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Ayos ang mga tips ang napakalaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng ating ekonomiya!LOls
ReplyDeleteDahil sabay sa Chinese New Year, Putukan itong umaatikabo!hehhe
Ingat parekoy!
May nababangit bang Valentine's day sa bible? Wala kaya! ang mga tao talaga, masokista, naghahanap ng sakit ng ulo at ikabubutas ng bulsa nila.
ReplyDeleteLilipas din yan! LOL =)
'Ika nga ng mga bitter, SINGLE AWARENESS DAY bukas. Haha!
ReplyDeleteTama nga naman! Maswerte sa pera ang mga MALAS sa pag-ibig. Makataya nga ng lotto. 194M higit eh. Baka sakaling manalo, maraming aaligid na papa. Eh di masaya ang Valentine's Day next year!
SAKLAP! May nanalo na din sa lotto. Baka swerte na ako sa lovelife! lol
ReplyDelete@ Drake - walang binatbat ang mga plataporma ng mga pulitiko. yang mga tips na yan talaga ang magpapayaman sa pinas. haha
ReplyDelete@ Ollie - may punto ka dun. kung anu anong celebration na nga ang pinagkakagastusan ngayon. yaan mo na pera naman nila yun. hehe
@ Kaitee - onga may nanalo na sa lotto. hayaan mo na tiyak mamalasin naman sa pag-ibig yun.
pero sa kaibilang banda parang mas gusto ko talaga ang kwarta kesa pag-ibig. lol
sana nga eh swertehin tayo parepareho sa mga puntos na ibinahagi mo..lols
ReplyDeleteastig na astig..
beteranong beterano.
Happy Puso day parekoy
oo, yang mga tips na yan ang magbibigay swerte sa buhay. kinulsulta ko yan sa chinese expert. haha
ReplyDelete