3.2.10

Buhay Tu.La.La

Halos kalagitnaan na ng ikalawang buwan ngayong bagong taon. Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang e panahon na malakas ang benta ng mga tiga Bulacan dahil sa paputok at ilang araw na lang ay ang mga may negosyo gaya ng mga nasa Sta. Mesa ang kikita dahil sa ibang klase naman ng putukan.

Mahigit isang buwan na akong buhay tamad, buhay tambay. Sabay ng huling araw ng taong 2009 ay sya namang effectivity ng aking resignation sa kumpanyang pinagsilbihan ko din ng mahigit dalawang taon. Simple lang naman ang dahilan kung bakit ako ngresign, walang mabigat na dahilan, hindi na ako masaya sa trabaho at ginagawa ko sa kumpanyang yun kaya bakit ko pipilitin ang sarili kong magtyaga sa isang bagay na hindi naman nagbibigay sa akin ng saya o kaganapan bilang manggagawa/tao.

Isa pa, sa loob ng dalawang taong pagpapa-alila ko sa kumpanyang yun matagal ko na ring inasam asam na makapagpahinga at tumambay lang na walang ginagawa.

Masarap ang buhay tambay na walang ginagawa kundi ang tumambay lang lalo na kung hindi mo ito naranasan sa loob ng mahabang panahon. Sa loob ng mahigit isang buwan, wala akong ginawa kundi maging TuLaLa - Tulog, Lakwatsa, Lamon.

Masaya maging tulala dahil walang trabahong iniisip, hindi pressured at hindi nag-aalala sa mga kung ano ang mga dapat gawin at higit sa lahat walang mga katrabaho na kailangang pakisamahan at boss na kailangang paimpressan.

Pero habang tumatagal nakakaramdam na ako ng sawa sa pagiging buhay tulala, hinahanap hanap ko na ang may mga trabahong ginagawa, kahit papaano hinahanap ko ang pressure at challenge na may ginagawang trabaho. Gaya nga ng nasabi ko sa post na ito, magrerecharge lang ako at muli na namang sasabak sa pagiging buhay empleyado.

Sa tingin ko naman ay sapat na ang pahinga ko at fully charge na ako para muling sumuong sa tinatawag nilang corporate world. Isa pa ayoko namang sairin ang naitabi kong pera sa kakatambay lang, kaya bago pa ako maubusan ng pangtustos sa mga bisyo pangangailangan ko ay kailangan ko ng makahanap ng pagkakakitaan.

Sana palarin agad akong makahanap ng pagkakakwartahan. (Crossing fingers)

0 ang may nasabi:

Post a Comment