15.2.10

Buddha Jumps over the Wall

Akma ang title na yan kasi kakatapos lang ng Chinese new year. Hindi ko na rin siguro kailangang ipakilala pa at idetalye kung sino si Buddha. Kung di mo sya kilala, pareho lang tayo, hindi rin naman kasi kami close.

Kilala mo si kuya Kim Atienza? Hindi ko rin close yun, napapanuod ko lang sya sa tv, wala rin syang kinalaman kay Buddha, nabanggit ko lang sya kasi may trivia ako. Let's do it the Matanglawin style! Alam nyo ba na ang pinakamahal na sabaw sa buong mundo ay nagkakahalaga ng $200 USD o halos kulang kulang 10,000 PHP? At bago ka makatikim ng sabaw na yan ay kailangan mo munang magbigay ng 5 days notice sa kusinero ng restoran na nagseserve ng sabaw na yan. At ang pangalan ng sabaw na yan ay Buddha Jumps over the Wall.

Hayup! Magbabayad na nga lang ng mahal kelangan pa ng prior notice. Kung ganun e espesyal marahil ang mga sangkap ng sabaw na yan. Sana lang ay hindi gawa sa laway ni Buddha ang sabaw.

Noong nakaraan bago ang nakaraan, nagluluto si erpats ng adobo, e nagugutom na ako, amoy pa lang kasi nung adobo nya nakakagutom na. Sabi nya pwede na daw akong maunang kumain, luto na rin naman daw yung karne, pinapatuyo na lang yung sabaw. Mahilig akong maghalo ng sabaw sa kanin, yung tipong kaning baboy na ang itsura sa dami ng sabaw, kaya kung tutuusin mas gusto ko yung adobo na may sabaw, yung kita mo yung halo ng tubig at mantika, kaso ayoko namang kontrahin yung istilo ni erpats sa pagluluto, maya nyan hindi pa ako makatikim ng adobo nya at asin ang ipaulam sa akin. Kumuha na ako sa niluluto nya at naunang kumain bago pa tuluyang mag-evaporate lahat ng sabaw ng adobo. Dinamihan ko na din ang halo ng sabaw sa kanin ko kesa naman maging usok lang yung sabaw.

Nakatikim ka na ba ng sinabawang panty? Hindi ko dati alam kung anong lasa nun, hindi ko naman kasi alam na pwede palang gawing pampalasa ng sabaw ang panty. Una ko lang narinig ang sinabawang panty sa katropa ko nung minsang kumain kami sa gilid ng estero. Sya lang ang humingi ng libreng sabaw nun, medyo duda pa kasi ako na baka galing sa estero yung ginawang sabaw kaya pinamimigay lang ito ng libre. Nung tinanong ko kung anong lasa nung sabaw, sabi nya lasa daw sinabawang panty, nagtaka ako kung anong lasa ng sinabawang panty kaya humingi din ako. Hindi naman ako papayag na sya lang ang makatikim ng sinabawang panty. Mukang hindi natipuhan ng tropa ko yung sabaw, nakailang ihop lang kasi ito samantalang ako nakadalawang hingi pa ng sabaw. Masarap naman pala ang sinabawang panty. May pagkamaasim na maalat alat.

Isa sa mga paborito kong ulam ay sinigang na baboy o hipon. Gusto ko sa sinigang na baboy na yung sabaw e may gabi. Nakakapagpalapot daw kasi ng sabaw ang gabi. Gusto ko din kasi malapot yung sabaw ko para mas katakam takam.

Sa cavite ako unang nakatikim ng sinampalukang manok, paborito ko din yun, masarap kasi yung sabaw, tawag ko dati nung bata ako dun e sinigang na manok. Dapat nga kasi talaga sinigang na manok yun, kasi pareho ng paraan ng pagluluto at sangkap. Pauso lang siguro yung unang nakaimbento ng ulam na yun kaya imbes ng sinigang na manok e ginawa nyang sinampalukang manok. Maiba lang.

Pusta ako, kahapon madaming sabaw ang nahigop. Maliban sa hindi pwedeng mawala ang sabaw sa hapag ng mga chinese tuwing new year dahil tradisyon ito e madami din ang mga naghigupan muna ng sabaw bago sumabay sa chinese new year sa pagpapautok. Marami rami rin siguro ang nakatikim ng pinutok na sabaw.

Pota, nagugutom ako sa mga pinagbabanggit kong pagkain. Nagaalburoto na naman ang mga alaga ko sa tyan. Gusto ko tuloy mag-ulam ng tinolang manok. Matagal tagal na din mula noong huli akong nakatikim ng sabaw ng tinola.

Trivia uli. Nakailang beses nabanggit ang sabaw sa post na to?

Sagot: Tatlumpu't anim. Bilangin mo kung wala kang tiwala.

Bakit nga ba tungkol sa sabaw at panay ang banggit ko sa sabaw? Dahil sabaw ako ngayon kaya gumawa ako ng entry tungkol sa sabaw para paulit ulit kong maalala na sabaw ako ngayon kaya dapat hindi ako nagsusulat ng entry pero mukang nakagawa naman ako ng isa kahit na sabaw ako ngayon at puro sabaw ang sinasabi ko.

Sabaw ang laman ng utak ko!

10 ang may nasabi:

  1. Aaminin ko manong, nagsawa ang mata ko kakabasa ng SABAW. Natakam din ako sa mga nabanggit mong pagkain. Ikaw kasi eh! Nagutom din ako. :)

    P.S.

    42 times mo nabanggit ang sabaw. Binilang ko yan.

    ReplyDelete
  2. Ang daming walang kinalaman sa kwento ha...

    HAPPY VALENTINES DAY!
    KUNG HEI FAT CHOI!

    ReplyDelete
  3. @ Kaitee - langya nagduda ako mismo sa sarili kong bilang. haha

    binilang ko uli, 36 times nabanggit ang salitang sabaw.

    @ Manyan Adevnturer - sabaw kasi kaya halo halo ang nababanggit sa kwento. hehe

    ReplyDelete
  4. Ano kasa ng sinabawang panty? Uhmm umeembento ka dyan ah! Nakatikim ka na ba ng sinabawang lupa ng may dahon ng kaymito? Ako nakain na nyan ng bata pa!hahahah

    ReplyDelete
  5. maasim na maalat alat ang lasa ng sinabawang panty.

    mahilig ka pala maglaro ng luto lutuan nung bata ka ha. nyahaha.

    ReplyDelete
  6. Ayoko ng sinabawang panty dahil hindi namang ginagawang ulam ang panty, eiw! un lang may ma koment lang ahahaha

    ReplyDelete
  7. Manong, bilangin mo pa yung iba. 42 yun. Binilang ko ulit. Hahah!

    Ayoko makatikim ng sinabawang panty. Alam ko dahil babae ako! Hehe.

    @Drake: Seryoso? Anong lasa? :)

    ReplyDelete
  8. @ Jepoy - at least my komento. lol

    @ Kaitee - sinabawang brip titikim ka? haha

    ReplyDelete
  9. Manong, ayaw ko. Baka maaddict ako. Wahah issue! Che!

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete