Kahapon ko lamang inumpisahang magblog walk, masaya naman ang karanasang ito, napapadpad ako sa iba't ibang sulok ng blogosperyo sa pamamagitan lamang ng pagclick ng pagclick sa mga links. Iba talaga ang nagagawa ng aking mga daliri. Madami na din akong mga bagay bagay na nabasa at nadiskubre pero meron din hindi magandang side sa pagbablog walk ko.
Bukod sa nakakapagod ito at masakit sa mata sa kakabasa ay hindi rin madali ang gumala sa isang lugar na hindi ka pamilyar lalo na kung hindi mo alam kung ano ang mga pasikot sikot at kalakaran sa lugar na ito. Pakiramdam ko ay isa akong dayuhan na napadpad sa isang lugar na hindi ko alam kung papaano lakbayin. Tila isang kuto sa ulo ng isang mamang kalbo na hindi alam kung anong direksyon ang tatahakin.
Pag naliligaw ang madalas na tanong sa sarili ay, "Nasaan na ako?" o "Tama ba tong ginagawa ko?"
Mahirap din maging isang estranghero sa isang lugar na halos lahat ng narito ay may koneksyon na sa bawat isa. Parang isang transferee sa eskwelahan na sa una ay walang mga kasama o kaibigan, naiilang-ilang pa kung sino ang lalapitan o kakausapin at tuwing lunch break at habang magkakasalo ang mga magkakakilala ay walang choice ang kawawang bagong salta kundi kumain mag-isa sa isang sulok ng canteen at kung mamalasin ay sa loob na lamang ng cubicle ng cr manananghalian kasalo ang mga ipis at buwitre.
Pero malakas ang loob ko na kahit naliligaw na ay sige pa rin ang pagpasok sa mga kanto kanto, para saan ba't masasanay din ako sa lugar na ito, o baka nararapat na sabihing masasanay din akong maligaw hanggang sa maramdaman kong hindi na ako naliligaw at ang bagong saltang kagaya ko ay mararamdaman din na at home ako dito.
Teka, nasaan ba ako? Tama ba tong napuntahan ko? At hanggang kelan ko mararamdaman na isa akong kuto sa ulo ng isang taong kalbo?
10.2.10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


goodluck sa larangan ng pag ba blog, mahirap sa umpisa kaya wag ka susuko. ;)
ReplyDeleteano raw. haha basta goodluck sa pag ba blog wag ka ktatamarin haha
click lang ng click hindi ka mawawala
Salamat paps. sana nga e hindi ako tamarin sa pagbablog para naman magtagal ang buhay ko dito sa blogosperyo. hehe
ReplyDeleteAng pag blog ay isang passion. Yung parang sa simbahan hihihi.
ReplyDeleteBasta blog lang ng blog at blog walk lang ng blog walk. Gumawa ka ng blogroll para mai add mo ang mga favorite blogsites mo para regular mo silang mabisita ganun :-D
Happy Blogging!
aah mahusay na ideya. madagdag nga kita sa blogroll ko. :)
ReplyDeleteTama yan!
ReplyDeleteat tama si Jepoy. iadd mo na rin ang blog ko..lols
AT isa pa parekoy, HINDI ka maliligaw dito.. kase nasa iyung mga kamay ang mapa. Matuto ka lang na gamitin yan. depende nalang kung yung ikaw (na kuto) eh nasa kilikili ng mamang Kalbo. lols
sige sige.. hanggang sa susunod na pagkaligaw.
HULA KO PAREKOY, HINDI KA BAGONG BLOGGER... HMMMM. HULA KO LANG..
Oo nga hindi ka bagong blogger, kundi isa kang blogger na may bagong blog!hehhe
ReplyDeleteIngat sa iyo at pakiadd na rin ako kung pwede.Salamat sa pagbisita sa kwarto ko!
ingat
@ Kosa - yun lang hindi ako marunong magbsa ng mapa baka mapunta ako agad sa dead end nito. haha
ReplyDeletehindi ka lang pala blogger kosa kundi isa ka ding manghuhula, kaso mali hula mo e. lol
@ Drake - isa akong baguhang blogger na may bagong blog. at sa tingin ko ay karapatan kong sabihing bago ako kasi ayokong masabihan ng luma. haha
If ever na bago ka nga, appear tayo!
ReplyDeletePero kung ikaw ay blogger na may bagong blog, appaear pa rin tayo!
Masarap maging blogger. :)
Mas gusto ko ang Blogger... AMP
@ Midnightcynic - apir times two. hehe
ReplyDeleteHi Manong. Oh ayan.. Nag blogger na ako. :))
ReplyDelete@ Kaitee - manong ka dyan. para namang ang tanda ko na. bata pa po ako no. hehe
ReplyDeleteSince ramdam ko naman na mas matanda ako, Manong na lang. Laos na yung Kuya eh. Pacute effect lang yun eh. :) Oo nga pala, si Midnightcynic ako. :)
ReplyDelete