Ngayong nalalapit na ang eleksyon, dalawang kulay lang din ang kasalukuyang nangingibabaw sa lahat. Kahel o dilaw? Alin sa dalawang kulay ang mananalo para mailuklok sa pinakamataas na pwesto ng bansa?
Isang kulay lang ang pwedeng manalo. Hindi pwedeng dalawa. Dahil sa pwestong para lang sa iisa, hindi pwedeng silang dalawa.
Asahan natin na habang papalapit nang papalapit ang araw ng eleksyon, patindi nang patindi din ang batuhan at hilahan ng magkabilang panig.
Bilang isang mabuting mamamayan ay pinapahalagahan ko ang aking boto. Importante ang boto ko, ito ang maglalagay sa pwesto ng susunod na pinakamakapangyarihang opisyal ng bansa. At dahil pinapahalagahan ko ang boto ko ay nararapat lamang na magnilay-nilay at pag-isipan ng mataimtim kung kanino ko ito ibibigay na tila ba isang matamis na
Yan sana ang gagawin ko, pag-iisipang mabuti kung sino ang iboboto ko kung nakahabol lang sana ako sa rehistrasyon. Sayang din ang isang boto sana, gusto ko din sanang sumali sa tunggalian ng mga summer colors. Sa ngayon ie-enjoy ko na lang ang circus ng magkabilang grupo. Mas magiging exciting pa ito lalo't papalapit na ang finale sa darating na Mayo.
Nga pala, nasuspinde ang paborito kong show sa umaga na Showtime, sa tingin ko hindi makatarungan ang ginawa ng MTRCB na biglaang pagsuspensyon sa kanila. It's ampeyr! Showtime na nga lang nag katangi-tanging show na nagpabagsak sa show ng dalawang taratitat na host at isang matandang matabang pakyut na host tapos pagiinitan pa bigla. Ampeyr talaga!


0 ang may nasabi:
Post a Comment