11.1.10

DonTamad

Sa mga pagkakataong ito ay sumanib na naman ang kaluluwa ng aking dakilang ninuno na si Juan Tamad. Tamad na naman akong kumilos ngayon para gampanan ang mga responsibilidad ko bilang isang mabuting manggagawa at mamamayan.

Alam ko rin naman na kailangan kong kumilos at tumayo sa sarili kong paa para mabuhay at magkapera, lalo na't ang labanan ngayon ay pera perahan na lang. Mas marami kang pera, mas marami kang mga kaibigan bagay bagay na magagawa at mas maraming lugar na mapupuntahan. Dito pa naman sa siyudad ay hindi uso ang tatamad tamad dahil kada kilos dito ay may perang katapat.

Mabuti pa ang mga pulubi hindi tintamad na mamalimos para lang may pambili ng solvent pagkain, pero ako, ewan ko ba't heto na naman at nakanganga sa ilalim ng punong bayabas at naghihintay na mahulog ang bunga nito sa aking bunganga. Tsk! Di uumbra ang gawaing ito, pero pramis magpapahinga lang ako, magre-recharge kumbaga para pag nawala na ang sumpong kong katamaran ready to go na uli si Don Dee. Peksman!

Sa ngayon ie-enjoy ko muna ang buhay tamad na walang ginagawa.

0 ang may nasabi:

Post a Comment