Sinong nilalang ang hindi nagdaan sa pagkabata na hindi alam ang kwento ng Ugly Duckling? Isa ito sa mga pamosong kwentong pambata na pinagpasa-pasahan na ng ilang henerasyon. Ang hindi nakakaalam sa kwento nito ay a.) hindi dumaan sa pagkabata at paglabas sa sinapupunan ng kanilang ina ay deretso na sa pagtanda at b.) hindi kasosyalan at hindi naranasang makwentuhan ng english na bed time story nung bata pa. loser!
Sa pagmamay-ari kong bukiran, isang hayop lang ang nahirapan akong hanapin. Naiinggit nga ako sa ilan kong mga kapitbahay kasi kumpleto nila ang mga alagaing hayop at meron sila nung hayop na hinahanap ko. Oo, inggitero ako! Sa tuwing may mamimigay naman ng hayop na nabanggit e lagi akong huli sa balita at nauubusan. Kamalas! Pero sa tinagal tagal ng panahon, sa wakas nakita ko din ang isang pakalat kalat at pinamimigay na ugly duckling, noong isang araw lang. Balita ko kasi yung ugly duckling na yun, gaya nung sa kwentong pambata, e nagtatransform sa isang eleganteng gansa. At dahil nga sa inggitero ako e gusto ko ring makita kong papano magbabago ng anyo yung ugly duckling sa aking bukid.
<<>>
Kamakailan ay may nag-add sa akin sa fesbuk na magandang babae. Tipong pang hot babes ang dating. Madami kaming common friends, lahat schoolmate ko nung high school, yung nag-add sa akin hindi ko mamukaan kung sino, hindi rin pamilyar ang pangalan, in-accept ko na lang tutal muka namang schoolmate ko din dati dahil nga sa mga common friends namin. Pagtingin ko sa chat, sakto online sya.
Ako: Hi! Thanks for the add.
Hot Babe: Hello! Long time no see a. Kamusta?
Ako: Ok naman, busy sa buhay buhay. Btw, tiga Bulubundukin highschool ka ba?
Hot Babe: Hahaha. Oo kaya, kaw ha nakalimutan mo na ako. Ganyan ka pala.
Ako: Anong batch ka ba?
Hot Babe: Hay naku, nakalimutan mo na nga talaga ako.
Ako: Hindi ko kasi talaga maalala e.
Hot Babe: ...
Nag-offline na sya pagkatapos ng huli kong sinabi, tatanungin ko pa naman sana sya kung may nakaraan kami pero kapangahasan na yun. Pinuntahan ko na lang ang profile nya at pinakialaman ko ang mga piktyurs nya. Potah! Hindi ko mapigil magmura lalo na nung nakita ko yung piktyur nya sa beach. Parang pang men's magasin. Sa kiddie section. Pilit ko pa ring inaalala kung sino at ano sya sa buhay ko nung highschool.
Pumunta ako mga piktyurs na ni-tag sa kanya. Tignan mo nga naman pag sinuswerte, may nakatag doon na class picture nung highschool. Agad kong nakilala ang batch na yun, yun yung klase na mas bata sa amin ng isang taon. Hinanap ko ang pangalan nya sa listahan sa ibaba ng larawan at laking gulat ko kung saan tumapat ang kwadrado. Napadoble ang mura ko sa natuklasan at napakamot na lang ng ulo.
Sinong mag-aakala na yung babaeng maitim, payat, makapal ang kilay at patag ang dibdib ay magiiba ang anyo bilang isang nakakapagpalaway na nilalang. Para syang isang instant noodles na sa umpisa ay walang buhay pero pagkaluto ay naging masarap na pagkain at ang sabaw ay masarap higop-higupin. Ganoon pa din naman ang kulay nya, pero hindi na sya nararapat tawagin na maitim kundi morena, ahit na ang kilay nya, mas malaman na rin sya ngayon, malaman talaga! Ang LAKI ng pinagbago ng itsura nya, ang LAKI ng ginanda nya.
Kung alam ko lang na magbabago ang anyo nya ng ganun kaganda e di sana sumagot ako sa text nya nung highschool. Kahit maubos pa ang load ko sa kanya, dahil wala pa namang unlitxt nun, ayos lang. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, minsan talaga e sasampalin ka ng mga pangyayaring labis mong panghihinayangan.
Yung dating ugly duckling naging magandang swan na ngayon. At oo nga pala, sa profile nya galing yung ugly duckling na matagal ko ng hinahanap para sa bukid ko. Pagkakataon nga naman oo.
20.2.10
17.2.10
Nostalgia
Kahapon binuksan ko at muling binalikan ang isang parte ng aking nakaraan. Sinarado ko na dati ang pintuan ng nakaraan na yun pero may isang parte pa din ng pagkatao ko na hinahanap ang lugar na yun. Minsan talaga hindi maiiwasang muling balikan ang nakaraan at magbalik tanaw. Namimiss ko ang mga bagay bagay at mga tao sa nakaraang tinalikuran ko kaya naman muli kong binalikan ang imbakan.
Muli akong nagbalik sa dati kong imbakan. Naalala ko pa ang unang pagkakadiskubre ko sa lugar na yun. Pagala gala kasi ako noon kaya ko nakita at pinasok ito. Naenganyo ako sa mga bagay bagay at mga tao na nakita ko at nangarap ako na gumawa rin ng sarili kong imbakan. Masaya ang mga dating araw na ginugol ko sa imbakan na yun kasama ang mga dating nagiimbak. Oo, medyo magulo ang imbakan dati pero masaya. May lalim at may puso ang mga dating nagiimbak, may pakinabang ang mga naiimbak.
Nakausap ko kahapon ang isa sa mga naging kaibigan ko sa lugar na yun, sabi nya may kailangan daw sya sa dati kong imbakan, ilalagay daw kasi nya yun sa garapon. Binisita daw nya ang dati kong imbakan pero sarado na daw ito. Nagdalawang isip pa ako kung muli ko bang bubuksan ang kandado para muling pasukin ang lumang imbakan at kunin ang dati kong inimbak na kailangan nya. Alam ko kasi na sa oras na binuksan kong muli at pumasok sa imbakang yun ay muling babalik ang mga ala-ala ng aking nakaraan, mga ala-ala ng mga taong minsang nakasalamuha sa imbakan na yun. Hindi naman ako nagkamali at muling bumalot sa akin ang mga ala-ala ng nakaraan.
Hindi rin naman ako makatanggi sa hiling ng aking kaibigan, aanhin ko pa nga ba ang mga nakaimbak doon kung mabubulok lang din. Tutal e isang bagay lang naman ang hinihingi nya para ilagay sa garapon. Ang inimbak kong yun ay minsang ginawaran bilang isa sa mga may pinaka-may pusong naimbak. Mabuti nga yun, na mailagay sa garapon at mapakinabangan ang kahit isa lang sa mga dati kong iniimbak kesa masayang lang ito sa pagkakatago.
Hindi ko maiwasang isa-isahin ang mga dati kong inimbak. Tawa, lungkot, ngiti, mangingilid ang luha, yan ang mga naramdaman ko habang iniisa-isa ko ang mga bagay sa luma kong imbakan. Naisip ko kung nasaan na ang mga ibang nagiimbak na kakilala ko. Nakakalungkot dahil ang ilan sa kanila, ang ilan sa mga may talento sa pag-iimbak ay wala na rin pala sa imbakang yun. Nakasarado na ang ilan at ang ilan naman ay iniwanan na lang basta ang kanilang espasyo. Pero nakatutuwang isipin na ang mga ilan ay naroon pa rin sa imbakan, paminsan minsan na lang din kung magimbak pero ang mahalaga e nagagamit pa rin ang imbakan nila at ang iba naman aktibo pa din sa pagiimbak gaya ng dati.
Isa sa mga pinakaayaw kong dahilan kung bakit ayokong nagbabalik tanaw sa nakaraan ay dahil nalulungkot lang ako at naa-alala ang mga taong naging bahagi ng nakaraang yun. Ang mga taong minsang napaglaanan ng oras. Seryoso, namimiss ko ang mga naging kaibigan ko sa lumang imbakan.
Iba na ang kulay ng imbakan ngayon kumpara sa dati. Iba na ang simoy ng hangin ngayon sa imbakan. Halata na ang malayong pagkakaiba ng dati sa ngayon.
May mga bagong nag-iimbak na din pala sa ngayon, ilan sa kanila may angkin ding talento sa pag-iimbak. Naaliw ako sa ilang iniimbak nila at yung mga dating baguhan sa pagiimbak, noong bukas pa ang aking lumang imbakan, e naging eksperto na rin sa larangang ito. May lalim, may puso at may angking pakinabang din ang mga naiimbak nila.
Naalala ko ang isang karakter at katauhan na binigyan ko ng buhay at nakilala ng mga dating nag-iimbak. Napaisip ako kung muli ko bang bubuhayin ang dating karakter at muling buksan ang luma kong imbakan. Pero sa kabilang banda, mas mabuti na lang siguro kung mananatiling sarado ang imbakan na yun, kasama ang mga ala-ala ng ilang tao na naging bahagi ng lumang imbakan.
Naibigay ko na din sa kaibigan ko yung isang bagay na hinihingi nya para ilagay sa garapon. Maging sya man ay aminado na mas iba ang buhay dati sa imbakan kesa ngayon.
P.S.: Isa sa mga bagay na nakita ko sa luma kong imbakan ang bagay na ito. Hindi sana ako magpopost ng kahit ano mang bidyo o piktyur sa blog na to, pero exempted ang entry na ito dahil para ito sa ala-ala ng mga dati kong nakasama sa lumang imbakan.
sumalangit nawa kayo. lol
P.S.P (Pahabol Sulat Pa): At dahil nga sa espesyal ang entry na ito ay nagpakaemo muna ako at isinuot ang aking emo outfit at naglagay ng eye liner. emo rules! not?!

16.2.10
Haba
Napansin ko na mula noong nagumpisa akong magsulat hanggang sa huling entry ko e napapahaba ata ang mga nasasabi ko. Nagiging madaldal na yata ako masyado.
Kaya naman iiksian ko na lang ang post ko ngayong araw na to. Gano kaiksi? Ganito kaiksi.

(Busy din kasi ako ngayon, kanina ko lang nalaman.)
Subscribe to:
Posts (Atom)